Last Updated on February 23, 2021 by OJ Maño
For mommies itong post ko na ito: What to expect as a first time mom sa breastfeeding, being first-time mommy / struggling nanay. Kung hindi ka interesado, wag mo nang basahin, scroll up ka na lang. Apir!
Detailed explanation at kwento ito ng aming journey to a DIAPER-FREE AND FORMULA-FREE LIFE. Tips na din ‘to para sa mga mommy na balak mag-wean at mag-start ng potty training soon.
What to expect as a first-time mom: Breastfeeding
Ang pagpapa-breastfeed ay isa sa mga bagay na hindi ko kailanman pagsisisihan. Yung tipong pag magkaka-baby ako ulit, gagawin ko sya nang walang pag-aalinlangan. Bakit? Simple. Kasi nakita ko na ang epekto nya sa anak ko.
Before ko pa lang isilang (sorry na, ang deep) si Keion, determined na akong magpa-breastfeed. Nakatatak na yan sa utak ko na magpabreastfeed ako hanggat kaya ko. Nurse ako, iniisip ko na kakayanin ko yun. Pero hindi pala sya ganun kadali. Believe it or not, ang hirap hirap nya. As in. Nakakapagod, masakit, mabigat, mahapdi. Kung hindi ka determinadong gawin, susukuan mo talaga. Kaya sa mga husbands dyan, please, please, please at isa pang please, kindly support your wife in doing this mission.
Give them all the help they need. Kesehodang humingi sya ng masahe at tubig every time magpapadede sya, ibigay mo. Don’t let her feel sad, nakakaapekto sa milk production iyon. Always make her feel beautiful kahit na sukang-suka ka na sa itsura nya at bahong baho ka na sa amoy nya … always make her feel loved. Pag ang mga mommy, nakakakuha ng sapat na atensyon galing sa asawa nila, nagkaka-super powers yang mga iyan. Kaya remember mga mister, give them the triple A’s: Affection, Attention, and Affirmation.
So eto na, attached na ang bata sayo at gusto nya nang laging dumede sayo. Dumating ako sa point, na ako na ang umaayaw, napapagod na ako at nasasaktan na ako sa comfort feeding namin for almost 3 years. Pero alam mo ba na nalungkot ako nung dumating ang time na ayaw nang magdede ni Keion. Namiss ko sya. Namiss ko ang bonding namin. Parang ako na ang pumipilit sa kanyang magdede, pero sadly ayaw na nya. So, hayaan nyo lang at aayaw din sila. And for sure, mas malulungkot ka pag dumating na ang takdang araw na iyon.
What to Expect as a First-Time Mom: Bottle Feeding and Weaning
I never imagined na ma-wean namin sya from this at early age. Alam ko kasi na attachment sa mga bata ang bote ng milk pero still, pinapahanga ako masyado ng batang ito. 😁
Nag start ito ng i-try namin syang timplahan ng formula milk sa baso. Keion loves drinking fresh milk (though lahat naman ata ng pagkain ay love nya). Hindi na ito bago sa kanya. Pero before, at night time, gusto pa din nya na mag dede sya from bottle. So ayun na nga, sinubukan ko lang talaga … tapos pinatikim ko sa kanya yung namuong milk powder pagkaubos ng gatas (yung milk na hindi sobrang nahalo guys) … and boom! Nagustuhan nya.
Parang magic lang ang nangyare. Hinahanap nya ang bottle nya pero pinapaalala namin sa kanya na naka finish na sya sa glass nya na may milk powder, tapos ayun, okay na sya ulit. Hanggang sa ganun lang ang ginawa namin every night siguro wala pang 3 days, hindi na nya hinahanap ang bottles nya. Ganun ka-cute lang ang story ng pag tigil nya sa bote. Pero ang ama ang pinakamasaya sa moment na ito kasi no need na nyang maghugas ng mga bote ni Keion. Itinago na namin lahat para sa susunod na baby na. (Joke!)
What to Expect as a First-Time Mom: Potty Training
Hindi ko din masabi kung paano nangyare. Ang alam ko lang, namamahalan ako sa diaper nya. Haha! Kidding aside, ang natatandaan ko, inumpisahan ko sya na walang suot. Kahit shorts or brief, basta bare naked. Though nakakatakot ako kasi nag aabsorb ng wetness ang sofa namin, still, ginawa ko. Bumili pa ako ng mga absorbable briefs dati, ayun, dahil bardagol ang anak ko, hindi nya halos nagamit kasi by the time na ready na syang mag potty train, hindi na kasya sa kanya ang size ng absorbable briefs nya. 🤦🏻♀️
Nauna syang nasanay magwiwi sa toilet. Hindi din sya madali kasi ang dami din naming accidents nuon. May time na sasabihin nya sakin na, “Mommy basa”, so ayun, nakaihi na sya. Ang ginagawa namin, every time magsasabi sya ng wiwi at naging succesful, pine-praise namin sya. Hanggang sa feeling ko, natutuwa sya ng ganun kasi alam nyo naman ang mga toddler, gustong gusto nilang madinig na ‘very good’ sila kay Mommy. Kaya natuwa na din siguro syang umihi sa toilet. Though nag da-diaper pa sya dati pag lumalabas kami and pag natutulog sya.
Pero sabi ko sarili ko, mas maganda nang ituloy ko na at isama na ang “no more diaper rule” pag umaalis kami. Syempre ayaw ng asawa ko, kasi inaalala nya ang sasakyan baka pumanghi! LOL! Pero sabi ko, kailan pa nya yun matutunan diba, hanggang sa ayun, nagdala ako ng urinal sa sasakyan. Pero guess what, never ko na yun nagamit kasi talagang nagsasabi na si Keion pag iihi sya. Actually, mas okay na bago umalis is paihiin natin sila para empty ang bladder nila, Mommy!
Ganun din ang ginawa ko sa pagtulog. Medyo mas challenging ito at madami ding aksidente bago nya ito natutunan talaga. May mga times din na araw-araw ang palit namin ng bed sheet kasi gabi-gabi din syang umiihi. Pero ayun, ganun din ang ginawa namin. Pinapaihi muna sya ni before sya matulog. Then in time, nakuha na din nya. Wala nang aksidente. Wala nang basang bed sheet. (Yey!!) So ayun na nga at una nyang natutunan ang pagwiwi sa toilet bago ang pagpoop.
Sa pooping, ang technique ko, mga mommy, ay every pagkagising nya, pinapaupo ko sya sa toilet seat. May time na nag poop naman sya pero may time na sasabihin nyang “wala pa”. Then ganun ulit, try and try lang … may mga moments dati na pumupunta sya sa other room (room sa bahay kung saan kami nagpplantsa at nagsasampay). Tapos makikita ko na lang na tahimik sya sa sulok. Ayun na, alam na pag ganun. Naka-poop na sya sa shorts nya. Sa totoo lang, napapagsabihan ko sya pag ganun pero naisip namin na dapat hindi siya ma-pressure.
Mommy, dapat hindi sya matakot mag poop. So binago namin ang approach. Ginawa namin, kahit nag poop sya sa shorts, sasabihan namin sya na okay lang yun. Then dalin namin sya sa toilet to wash up, then sasabihin namin na next time dapat sa toilet na. Binilhan ko sya ng potty seat. Mas naging effective sa amin yun than direct sa toilet. Hanggang sa magulat na lang kami na no more accidents na din ang pooping time. Nagsasabi na sya ng “Mommy, Keion will go poo-poo”. Until makasanayan na talaga nya. Yaaay!!
Sobrang na-realize ko na malaki nang bata talaga si Keion, kasi nakikita ko kung paano sya unti-unting nagiging independent sa buhay, lol! (kala mo mag aasawa na eh 😂) Nakaka-proud nang sobra ang mga achievements nya, small or big deal. Like these things, nakakatuwa na makita mo ang anak mo na natututo ng mga simpleng bagay, Mommy! Sobrang swerte lang talaga namin kasi na-bless kami ni Lord ng mabait na anak. Oh well, lahat naman ay naituturo at natutunan kaya sana may nakuha ka kahit papaano galing sa napakahaba kong post na ito. ✌
Sa totoo lang hindi ako expert sa mga bagay bagay. Ang post na ito ay base lamang sa aking experience being a mommy. Basta tandaan natin na lahat ng bata ay ib- iba ng development. Kailangan lang na intindihin natin ang kanya-kanya nilang phasing. Encourage them, but don’t compare. Kasi for sure, dadating din ang time to blossom ng anak mo. Kaya nila yan! At syempre, KAYA MO YAN, MOMMY!
Follow our Bulakenyo.ph Facebook page as well for the related post. You can also comment on this post for other mommy tips. Watch out for other posts on home and family life at our site.