SMC: Abot-kayang presyo, sapat na tubig para 350,000 na kabahayan sa Bulacan target sa unang bahagi ng taong 2025

Last Updated on January 18, 2023 by OJ Maño

Sa pamamagitan ng Luzon Clean Water Development Corp. (LCWDC) nito ay mabibigyan na ng San Miguel Corporation ng malinis, sapat at abot-kaya na halaga ng tubig ang humigit-kumulang 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng taong 2025.

Ito ay kapag natapos na ang implementasyon ng Stage 3A Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP) na sakop ang mga distrito ng Baliwag, Norzagaray, Hagonoy, Pandi, San Ildefonso, San Miguel at San Rafael.

Target na ma-ibibigay ng LCWDC ang maiinom at abot-kayang tubig mula sa Angat reservoir sa mahigit 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng 2025.

Ang Tubig Ay Mahalaga Para Sa Mga Bulakenyo

Tubig
Bulacan Bulk Water Supply Project (Photo courtesy of SMC)

Sa kasalukuyan ay 13 water districts sa Bulacan ang nakakakuha na ng treated bulk water na ipinapamahagi sa 220,000 kabahayan sa siyudad at bayan na kasama ang Balagtas, Bocaue, Marilao, City of Meycauayan, Obando, City of San Jose Del Monte, Bulakan, Calumpit, Guiginto, City of Malolos, Paombong, Plaridel at Sta. Maria.

Read SMC’s Bulacan Bulk Water Supply Project to provide access to potable, affordable water

Lumalabas rin na ang presyo na LCWDC para sa nasabing Bulacan water districts ay may pinakamababang presyo sa bansa sa P9.66 kada cubic meter o 1 centavo kada litro.

Kapag natapos ang Stage 3 ay aabot na sa 24 lugar ang sakop ng LCWDC sa Bulacan.

“With the growing population in the province, we expect a greater demand for water in the coming years. As such, our BBWSP teams are working double time to expand our coverage areas further to allow more households to benefit from a reliable, affordable, clean, and potable water supply. We still have a long way to go, given the delays brought about by the pandemic. Still, with the support of local government units, water districts, and the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), we are confident we can meet our targets on time,” wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.

Read SMC plants 3.8 million trees in three years, Dumagats join reforestation efforts in Bulacan

Sang-ayon kay Ang, ang hangad na nasabing proyekto ay upang mapunan ang pangangalilan para sa tubig na malinis, may abot-kayang halaga at maaasahan na walang masamang epekto sa kapaligiran na dulot ng sobra-sobrang pagkuha ng tubig mula sa groundwater sources.

Tubig
Bulacan Bulk Water Supply Project (Photo courtesy of SMC)

Ang average volume kada araw ng Bulacan Bulk Water Supply Project ay 190 million liters, at maximum capacity na 388 million liters.

Isa lamang ang BBWSP sa proyekto ng SMC na may kinalaman sa tubig.

Ang Bulacan Bulk Water Supply Project ay magbibigay ng treated bulk water sa iba’t ibang water districts (WDs) ng Bulacan upang makatulong na matugunan ang pagtaas ng demand ng tubig ng mga consumer nito, palawakin ang kasalukuyang saklaw ng lugar ng serbisyo nito at paramihin ang bilang ng mga kabahayan na pinaglilingkuran. Nagsimula ang proyektong ito noong Enero 2019 sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ang mga pribadong kumpanyang kasosyo, gaya ng LCWDC, San Miguel Holdings Inc., at Korea Water Resources Corporation, ay ang mag popondo, mag lalatag ng detalyadong disenyo at konstruksyon, magpapanatili at magkukumpuni ng mga pasilidad, at mag papanatili ng mga maayos na mapagkukunan ng tubig.

Tubig
Bulacan Bulk Water Supply Project (Photo courtesy of SMC)

Ang ahensyang nagpapatupad ng proyekto ay ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na nasa ilalim ito ng Build-Operate-and-Transfer (BOT) ng Public-Private Partnership (PPP) Structure. Ang panahon ng pakikipagtulungan ay nakatakda sa loob ng 30 taon, kabilang dito ang pagtatayo.

Noong 2017 ay itinigil ng SMC ang bottled water business nito para mabawasan ang epekto sa kapaligiran. May proyekto rin ang kumpanya upang mabawasan ang paggamit ng tubig ng 50 porsyento sa taong 2025.

Tinapos naman ang SMC ang P 1-billion Tullahan River cleanup noong Septembre at 1.12 million metric tons ng dumi at basura ang natanggap sa nasabing ilog. Kasalukuyang may river cleanup project rin ang SMC sa Pasig River.

Read SMC’s Tullahan River Cleanup Project breaches 400k MT of solid wastes removed

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *