Last Updated on August 17, 2020 by ITPM
442 na ang Bulacan! Happy Bulacan founding anniversary, mga ka-Bulakenyo!
Dalawang Bulacan Founding Dates
August 15, 1578 ang official Bulacan founding date. Ngunit alam nyo bang hindi ito ang unang itinuring na founding date ng ating lalawigan? Ang naunang nakatalang official Bulacan founding date ay March 10, 1917. Ito ay nagawa noong isinaayos ng mga Amerikano ang opisyal na talaan ng mga lalawigan sa Pilipinas.
Wait! What? Paanong noong 1917 lang ang birthday pero alam naman nating nababasa na natin ang Bulacan kahit sa panahon pa man ng mga Kastila?! Ayun na nga ang naging debate, mga ka-Bulakenyo! 🙂
Act No. 2711 – Officially, the province of Bulacan was created under Act 2711 on March 10, 1917.
Ito ay isang bahagi ng nilalaman sa Act No. 2711, kung saan officially naitala ang Province of Bulacan. Ito ay “AN ACT AMENDING THE ADMINISTRATIVE CODE” — For the purpose of adapting it to the Jones Law and the Reorganization Act.
The Province of Bulacan, lying on the northeastern side of Manila Bay, consists of territory in central Luzon, and comprises the following municipalities: Angat, Baliuag, Bigaa, Bocaue, Bulacan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos (the capital of the province), Marilao, Meycauayan, Norzagaray, Obando, Paombong,[Quingua], Plaridel, Polo, Pulilan, San Ildefonso, San Jose del Monte, San Miguel, San Rafael, and Santa Maria.
Read: https://www.officialgazette.gov.ph/1917/03/10/act-no-2711/
August 15, 1578 – Ang tinuturing ng OG founding date ng Bulacan
Nilipat at dineklara ang tinuturing na mas angkop na founding anniversary ng Bulacan sa August 15 sa tulong ng mga batikang mga historians at mananaliksik: Dr. Jaime Veneracion, Dr. Reynaldo Naguit of the Center for Bulacan Studies and Mr. Isagani Giron of the Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan (Sampaka).
Natagpuan nila na may cedulario na tumutukoy sa “Provincia de Bulacan” mula pa nuong 1578. Ngunit wala silang natagpuang eksaktong petsa. Kung kaya itinalaga ito batay sa karaniwang gawi ng mga Kastila na magtatag ng isang pueblo batay sa kapistahan ng patron nito.
Itinalaga itong August 15 dahil ito ang pista ng patron ng bayan ng Bulakan — ang unang kabisera ng Bulacan. Ito ang pista ng Nuestra Señora de la Asuncion.
Special Non-Working Holiday
Yup! Holiday po. Ito ay naproclaim na ng Pangulong Duterte at ipinagbigay alam ni Gov. Daniel Fernando.
Happy 442nd Bulacan Founding Anniversary!
Sa araw na ito, nawa ay patuloy tayong magpugay sa pagiging Bulakenyo. Ang Bulacan ay may mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan.
Bulacan ang tanging lalawigan na naging duyan ng tatlong Republika sa kasaysayan ng Pilipinas — ang Kakarong Republic sa Pandi, ang Biak-Na-Bato Republic, at ang Unang Philippine Republic na iprinoklama ng Philippine Congress at sa Malolos nuong January 23, 1897.
Read: https://www.bulakenyo.ph/1st-stop-bulacan/
Ngayong 442 na ang Bulacan. Gaano mo kakilala ang Bulacan, ka-Bulakenyo?
#BulakenyoAndProud