Ang Kauna-unahang Colored 2D Art Café sa bansa ay nasa Bulacan

Isa sa mga paboritong puntahang lugar lalo na ng mga teenagers sa City of San Jose Del Monte ay ang mga Coffee shops, at isa na rito ang kauna-unahang 2D Art Cafe sa buong Pilipinas, ang Komiks 2D Art Café. The Cafe is located at the 2nd floor of JUMPH Building, Caltex Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan.

Colored 2D Art Café sa Bulacan

2D Art Cafe
Komiks 2D Art Cafe (Photo from FB/Jea Wanders)

Itinatag ang Komiks noong March 21, 2021 at ang Pilipinas ay nasa gitna ng pandemiya na napakababa ng ekonomiya nito ngunit hindi nito napigilan ang may-ari ng Komiks 2D Art Café na si Herbert Bartolome.

Ayon kay Herbert, ang inspirasyon niya sa cafe na ito ay upang lumikha ng kakaibang timpla sa mata ng mga tao, dahil mayroon nang Black and White Comics café sa Pilipinas at naisipan niyang dagdagan ito ng kulay para mas maiba.

“Siguro kasi naging kakaiba yung concept namin na parang nasa loob ka ng komiks kaya hindi lang mga bata ng eenjoy pati na rin matatanda.” Herbert said.

Naging trending ang café matapos nilang ilunsad pero mahirap ang sitwasyon dahil sa restriction sa lungsod.

“Nung nag open kami Sobrang trending kasi siya kaya kahit MGCQ nung nag open kami dinumog pa rin siya ng tao everyday. One month na ganun lagi, sobra daming tao. Hanggang biglang nag-announce ulit ng total lockdown after one month namin mag open, dun nag start struggle namin,” ayon kay Herbert.

Read MRT-7 is key to accelerating economy’s recovery post-pandemic

“Parang naputol yung magandang start namin kasi bawal lumabas yung tao. Kaya nakakapanghinayang lang din kasi hinintay din ng ilang weeks yung lockdown kaya pati kami ng close din muna nun nag open na lang ulit kami nung lumuwag na ng konti,” dagdag niya.

2D Art Cafe
Komiks 2D Art Cafe (Photo from FB/Jea Wanders)

Pagdating sa Pagkain, maraming ino-offer na choices si Komiks dahil sa ibat-ibang uri ng pagkain at inumin ang meron sa kanilang menu. Isa sa pinakamabenta ay ang Komiks Burger Meal na binubuo ng Black MilkTea, Black Quarter Pound Burger, at Black Fries. Ang combo meal na ito naiiba at patok sa kanilang mga customers kaya laging binabalik-balikan sa kanilang café.

Read 40 Yummy Bulacan Food Products: Our Ultimate Glossary

Sa kanilang drinks ay may apat (4) na klaseng maaaring pagpipilian: ang Coffee Series, MilkTea Series, Milkshake Series, at ang Fruit tea series. Ang mga drinks na ito ay may unique but delicious flavors. Sikat din ang kanilang merienda menu as they are offering varieties of nachos, pizza, fries, waffles, and corndog that you will surely love. Perfect date place din ito for couples pero patok din sa barkada at pamilya.

Ang Komiks 2D Art Café ay isang patunay na ang mga tao sa San Jose Del Monte ay may malikhaing isip at artistic soul dahil hindi ka lang masasatisfied sa pagkain kundi maaari ka pang kumuha ng magagandang selfie at litrato na itatago mo sa iyong alaala.

They are open from 11 AM to 8 PM daily. The best time to visit is around 11 AM just before lunchtime to avoid the crowd. The Komiks 2D Art Cafe is also searchable in Waze which makes it easier to visit. The cafe is located in front of SM City San Jose Del Monte. For reservations and inquiries, you may contact them at 0917 536-5797.

Read Controversial AR Sign spotted all around SJDM City draws flak

Sources:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *