On his 170th Birth Anniversary: Fun Facts about Marcelo H. del Pilar (a.k.a. Plaridel)

Marcelo H. del Pilar

Sino nga ba si Marcelo H. del Pilar?

Si Marcelo H. del Pilar ang isa sa mga pinakamagiting na anak ng Bulacan. Ika-170th birth anniversary nya ngayong taon. Yup! Yan rin ang dahilan kung bakit holiday sa Bulacan tuwing August 30. Dineklarang special public holiday ang August 30 bilang pagpaparangal kay “Plaridel“.

We compiled this list of fun facts about Marcelo H. del Pilar. Tara! Let’s get to know him more. Di lang bilang isang sikat na bayani na nagsimula ng La Solidaridad, ngunit bilang isang kahanga-hangang Bulakenyo!


Visit the Marcelo H. del Pilar Shrine and Museum. Click these for more information: https://www.facebook.com/museonimhdelpilar/?ref=br_rs and https://nhcp.gov.ph/museums/marcelo-h-del-pilar-historical-landmark/


Fact #1: Violin, Piano, at Flute!

On his 170th Birth Anniversary: Fun Facts about Marcelo H. del Pilar (a.k.a. Plaridel) 1

Yup! Sa murang edad, nag-aral syang tumugtog ng violin, flute at piano. Naks! Cultured talaga! At multi-talented! Sya ay mula sa isang kilalang pamilya noon sa Bulacan, Bulacan. May kaya rin ang kanilang pamilya kung kaya may afford nilang makapag-aral ng karagdagang skills gaya nito. Achieve! Sino sa inyo ang may item rin sa bucket list na matutong tumugtog ng isang musical instrument. Go! Gayahin itong Bulakenyo LODI na ito!

Fact #2: Home-schooled si LODI!

Hindi agad sa paaralan nag-aral si Marcelo H. del Pilar. Para sa primary school, ang nanay nya mismo ang naging guro nya sa bahay. At the same time ng primary school, noon din sya nag-aral ng violin at piano. Malaunan na lamang siya tumuntong sa paaralan para mag-high school sa Sr. Hermenigildo Flores School.

Fact #3: Anak ng Mayor

Tatlong beses naging gobernadorcillo sa pueblo (equivalent of mayor of a municipality sa panahon natin ngayon) nila ang tatay nyang si Julian.

Isang kilalang miyembro ng principalia (upper class) ang mga magulang nya. The family owned rice and sugarcane farms, fish ponds, and an animal powered mill. O, di ba? Kilala ring Tagalog-speaker si Julian. Alalahanin nating ito ay noong panahon ng mga Kastila.

Fact #4: Hilario ang OG nilang apelyido

On his 170th Birth Anniversary: Fun Facts about Marcelo H. del Pilar (a.k.a. Plaridel) 2

Hilario talaga ang apelyido ng kanilang pamilya, ang paternal last name nila. Noong pinalabas ng mga Kastila ang decree upang magkaroon ng apelyido ang lahat ng mga Pilipino, pinili nilang gamitin ang “del Pilar”. Ito ang apelyido ng lola ni Marcelo. Kung kaya mula noong November 1849, dahil sa Spanish naming reforms ni Governor-General Narciso Clavería, opisyal na naging “Marcelo H. del Pilar” na ang pangalan nya.

Read: https://www.bulakenyo.ph/quick-facts-about-bulacan-faq-answers/

Fact #5: Pinsan nya ang asawa nya

Totoo ba ang tsismis? Yup! Second cousin nya ang napangasawa niyang si Marciana H. del Pilar. “Chanay / Tsanay” ang tawag nya sa kanya na makikita sa mga liham nya noon. Nagkaroon sila ng 7 anak, ngunit 2 lang dito (2 babae) ang umabot sa pagtanda. Maagang namatay ang 5 sa kanilang mga anak.

Fact #6: Hindi Kumuha ng Mana

Alam nating galing sya sa mayamang pamilya. Ngunit nang mamatay na ang kanyang mga magulang, hindi kumuha ng mana si Marcelo H. del Pilar. Pang-9 sya sa 10 magkakapatid. Dahil dito, maliit na ang makukuha ng bawat anak.

Hindi nya kinuha ang kanyang mana upang maging mas malaki ang parte ng iba pa nyang mga kapatid.

Sa kabila nito, malaunan sa kanyang buhay, nalugmok rin sya sa kahirapan dahil sa mga gastos na kailangan para sa mga movement at samahan na kabilang sya. Umabot sya sa puntong hindi na nya afford na bumili ng maayos na pagkain.

Sa Barcelona sya namatay dahil sa tuberculosis. Hindi na sya nakauwi sa Pilipinas bagamat ninais nya ito bago sya namatay.

On his 170th Birth Anniversary: Fun Facts about Marcelo H. del Pilar (a.k.a. Plaridel) 3
Marcelo H. Del Pilar National Shrine Museum-Library — Ito ay ginawa sa lugar ng dating tahanan ng pamilya nila Marcelo H. del Pilar sa Bulacan, Bulacan

Fact #7: Isa sa mga “National Heroes”

Tuwing last Monday of August, holiday sa Pilipinas bilang pagdiriwang ng National Heroes Day. (Side trivia: Dati itong pinagdiriwang tuwing last Sunday of August, pero pinalitan ito noong 2007 under RA9492. Nilipat ito tuwing last Monday upang magkaroon ng long weekend. Bahagi ito ng holiday economics program ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.)

Tuwing National Heroes Day, ipinagbubunyag natin ang mga tinaguriang National Heroes ng Pilipinas. Noong 1995, inilabas ng National Heroes Commission ang napiling siyam na bayaning Pilipino na kasama sa talaan ng National Heroes. Ang commission na ito ay binuo noon upang makapili at magbigay ng recommendation ng kung sino ang mga idedeklarang National Heroes bago dumating ang sentenaryo ng Philippine Independence.

Bagamat marami tayong mga kinikilalang bayani dahil sa pagbibigay ng respeto at pagpaparangal sa kanilang kontribusyon, ito ang 9 na “National Heroes” na napili ng commission:

  • Jose Rizal
  • Andres Bonifacio
  • Emilio Aguinaldo
  • Apolinario Mabini
  • Marcelo H. del Pilar
  • Sultan Dipatuan Kudarat
  • Juan Luna
  • Melchora Aquino
  • Gabriela Silang

Fact #8: May Love-Hate Relationship sila ni Jose Rizal

Read: Ito ay mula sa panulat ng kilalang historian at professor na si Prof. Jensen de Guzman Mañebog:

https://ourhappyschool.com/history/love-and-hate-relationship-jose-rizal-and-marcelo-del-pilar

Sa maraming pagkakataon, makikita ang collaboration nila sa isa’t-isa. Ilan sa mga ito ay:

  • Pagsusulatan ng dalawa dahil sa parehong adhikain sa paglaban sa mga Kastila. Ito ay nagsimula noong 1888 nang malaman ni Rizal na ang mga articles na nababasa nya na sulat ni “Plaridel” ay sulat ni del Pilar.
  • Pagpuri ni Rizal sa simulat ni del Pilar na “Dasalan at Tocsohan (Prayerbook and Teasing Game). Ito ay isang “mock-prayer book and satire on the friars’ greediness, pretense, and extravagance, was praised by Rizal as a model of classical prose and an outstanding example of Tagalog humor, wit, and sarcasm.”
  • Ang pagtatanggol ni Marcelo H. del Pilar sa Noli Me Tangere ni Rizal sa pamamagitan ng pagsulat ng Caiigat Cayo” (Be as Slippery as an Eel). Ito ay bilang sagot sa “Caiñgat Cayo!: Sa mañga masasamang libro’t, casulatan” (Beware!: of bad books and writings) na sulat ng isang prayle na nagsasabing isang mortal sin ang pagbasa ng Noli.
  • Pagsulat ni Rizal ng liham sa mga Kababaihan ng Malolos (bilang sagot sa request ni Marcelo H. del Pilar)
  • Pagiging abogado ni del Pilar para sa pamilya ni Rizal tungkol sa isang agrarian trouble sa Calamba.
  • at marami pang iba …
On his 170th Birth Anniversary: Fun Facts about Marcelo H. del Pilar (a.k.a. Plaridel) 4

Noong 1890, nagsimula nang magkaroon ng konting ‘differences’ si Rizal at del Pilar. Sa taon na ito, si Marcelo H. del Pilar na ang may-ari ng La Solidaridad. Ang management style at editorial policy ni Del Pilar ay hindi tugma sa political beliefs ni Rizal.

Dahil dito, noong January 1, 1891, nagtipon-tipon ang 90 Pilipino sa Madrid upang pumili ng Responsable (leader) sa pagitan ng dalawang paksyon — mga Rizalistas at Pilaristas. Nanalo si Rizal, ngunit hindi nya tinanggap ang posisyon dahil alam nyang hindi tugma ang kanyang political views. Matapos nito ay lumipat sya sa France, at hindi na sumulat para sa La Solidaridad.

Nagpadala ng liham si Marcelo H. del Pilar kay Rizal upang humingi ng paumanhin. Sumagot naman si Rizal na huminto sya sa La Solidaridad dahil kailangan nya ng oras para tapusin ang El Filibusterismo, dahil gusto nyang may iba pang mga Pilipino sa Madrid na tumulong bukod sa kanya, at dahil sa pagkakaiba ng views nya sa iba.

Fact #9: Sino si “Dolores Manapat”?

Isa ito sa mga pen names na ginamit ni Marcelo H. del Pilar. Alam ng marami na ginamit nya ang pseudonym na Plaridel. Ngunit alam nyo bang bukod sa “Plaridel”, ginamit din nya ang iba pang pennames? Ito ang iba pa nyang mga nagamit na pen names:

  • Siling Labuyo
  • Piping Dilat
  • Dolores Manapat
  • Carmelo
  • L. O. Crame
  • D.M. Calero
  • Hilario
  • Pupdoh
  • Maitalaga

Mahilig syang gumamit ng mga pen names na anagrams (pinagbalibaliktad na titik) ng kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *