Saan nga ba nanggaling ang pangalan ng ating lalawigan? What is the etymology of “Bulacan”? Sabi nga sa Romeo and Juliet, “What’s in a name?” Pero nakakamangha pa ring basahin kung paano nga ba naging ganito ang tawag sa Bulacan, at sa iba’t ibang bayan at lungsod dito sa atin.
Etymology of Bulacan
May ilang haka-haka sa kung saan talaga nagmula ang pangalan ng ating lalawigan. Masasabing ang “Bulacan” ay mula sa bulaklakan (flowery); burak (mud); or bulak (cotton).
May ibang nagsasabi nang dumating ang mga Kastila sa Bulacan, maraming bulaklak sa paligid dahil sa mga tanim na mga bulaklaking halaman, mga gulay, at puno ng mga prutas na mamumulaklak. Dahil dito, ipinangalan ang BULACAN sa mga BULAKLAKAN.
Read: Profile of Bulacan (from the Philippine Information Agency)
May ibang di sumasang-ayon dito at naniniwalang ang Bulacan ay mula sa burak, dahil sa ang lugar ay madawag at maputik noong mga unang panahon. May iba namang nagsasabing ang Bulacan ay mula sa bulak, dahil sa malawakang mga tanim ng kapok sa lugar.
Wala ring opisyal na nakatala sa etymology of Bulacan sa kanyang pagkakatatag noong 1578. Ngunit itong tatlong ito ang mga pinakatinatanggap na etymology of Bulacan.
Read: Happy 442nd Bulacan Founding Anniversary, mga ka-Bulakenyo!
Etymology of Bulacan Towns and Cities
- Angat – ito ay mula sa Tagalog na salitang “a-ngat” (elevated / higher piece of land). Ito ay dahil sa maraming mga burol at bundok sa nasasakupang lugar ng Angat.
- Balagtas – dating Bigaa, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Balagtas sunod sa kilalang Bulakenyong manunulat at makata na si Francisco Balagtas. Ito ay pinalitan noong 1966 under Republic Act 4702 (An Act Changing the Name of the Municipality of Bigaa in the Province of Bulacan to the Municipality of Balagtas).
- Baliuag – ayon sa mga kwento, ito ay nagmula sa isang bansag. Dahil sa wala halos maayos na transportasyon sa bayan noong panahon ng mga Kastila, malimit na nahuhuli ang mga taga-Baliwag sa pagsisimba sa Quinwa (Plaridel). (Ang Baliuag ay dating bahagi ng bayan ng Quinwa). Kung kaya binansagan silang “maliliwag” (slow folks) o “Eto na naman ang mga Ba liwag” (kung saan ang Ba ay isang magalang na pagtawag sa isang lalaki).
- Bocaue – ito ay mula sa salitang bukawe, isang uri ng kawayan na matatagpuan sa lugar noon.
- Bulakan – ito ay tulad rin ng pinagmulan / etymology of Bulacan na lalawigan, lalo na at ang bayan ng Bulakan ang dating kapitolyo ng lalawigan. Ang Bulacan ay mula sa bulaklakan (flowery) o sa salitang bulak (cotton).
- Bustos – ang pangalan ng bayan ng Bustos ay mula sa pangalan ng Kastilang si Jose Pedro Perez de Busto[s]. Siya ay nagsilbing kanang kamay ni Simón de Anda y Salazar, dating Spanish Basque Governor sa Pilipinas, at naging teniente general alcalde (provincial governor) ng Bulacan.
- Calumpit – ito ay nagmula sa Kalumpit na isang puno na kagaya ng apalit at narra. Maraming puno ng Kalumpit noong araw sa harap ng St. John the Baptist Parish Church.
- Doña Remedios Trinidad – ipinangalan ng bayan na ito sa ngalan ni Doña Remedios Trinidad, ang ina ni Imelda Marcos na tubong Baliwag, Bulacan. Ito ay idineklara noong 1977 sa ilalim ng Presidential Decree No. 1196.
- Guiguinto – may 2 bersyon ng pinagmulan ng pangalan ng Guiguinto. Ang isa ay hinto (stop). Noong panahon ng Kastila, ang pagtawid sa bayan ay gamit lamang ang salubungang kawayang tulay kung kaya sinasabi ng mga tao “Hinto!” habang may pasalubong pa sa tulay. Inakala ng mga Kastila na Hihinto ang pangalan ng lugar. Pinalitan nila ito ng Gui upang mas madaling bigkasin para sa kanila. Ang isang bersyon naman ay mula sa alamat na nagsasabing tuwing bilog ang buwan, may isang toro na nananaog mula sa simbahan at umiikot sa bayan. Ito ay bumabalik tuwing umaga sa altar kung saan may mga nakatagong mga ginto.
- Hagonoy – ito ay mula sa halamang “hagunoy” (Chromolaena odorata) na tumutubo sa dalampasigan ng bayan.
- Malolos (City) – ito ay sinasabing nagmula sa salitang “paluslos” (downwards). Ayon sa kwento, nang binabaybay ng mga Kastila ang Calumpit River upang tunghayan ang mga natitirhang mga bayan, huminto sila sa isang baryo sa may pampang (ngayon ay Kanalate) upang itanong ang pangalan ng lugar. Sinagot ng mga katutubo ang “paluslos” upang sabihing ang direksyon ng agos ng tubig ng ilog dahil hindi nila naintindihan ang mga Kastila. Malolos ang intindi ng mga Kastila at ito ang tumatak na tawag nila sa bayan. And that is the etymology of Bulacan capital, Malolos.
- Marilao – ito ay ipinangalan sa “luyang dilaw” (yellow ginger) / “halamang dilaw” (yellow plant) na madalas na tumutubo sa lugar noong araw. Malaunan, ang Madilaw ay naging Marilao.
- Meycauayan (City) – ito ay mula sa “makawayan” (full of bamboo). Ang unang poblacion ng Meycauayan ay sa Malhacan (inalis dahil sa lindol na sumira ng simbahan) at Lagulo (inalis dahil sa parating pagdayo ng mga Aeta). Iniipat ito ng mga Kastila sa isang lugar na makawayan. Ito ang etymology of Bulacan’s City of Meycauayan.
- Norzagaray – ito ay ipinangalan kay Governor-General Fernando de Norzagaray noong 1860 nang inihayag na ihiwalay na ito mula sa Angat. Ang noo’y tinatawag na Pueblo de Casay y Matictic (dahil ito ay binubuo ng Barrio Casay at Barrio Matictic) ay naging Norzagaray.
- Obando – ang bayan na ito ay ipinangalan kay Governor General Jose Francisco de Obando y Solis. Sya ang nagpasinaya upang gawing hiwalay na bayan ang Obando mula sa Meycauayan / Polo noong May 14, 1753.
- Pandi – Ang Pandi ay orihinal na bahagi ng Hacienda ng mga Dominicano na nagngangalang Hacienda. Ito ay pag-aari ng bayan ng Santa Maria de Pandi (ngayon ay Santa Maria, Bulacan).
- Paombong – sinasabing ang etymology of Bulacan town / bayan na ito ay tinawag na Paombong dahil sa mga bumbong (long bamboo tube) na isang uri ng imabkan ng mga tuba na nakukuha sa puno ng sasa na ginagawang suka. Dahil sa gawing paggamit ng bumbong ng mga tao sa bayan, at nakagiliwan ng mga Kastila ang salitang ito nang makita nila ang paggamit nito, dito na nila ipinangalan ang bayan.
- Plaridel – ang bayan ng Quingua ay pinalitan ng pangalan at tinawag na Plaridel mula sa isa sa pinakakilalang penname na ginamit ni Marcelo H. del Pilar. Ang panukalang batas ay ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas at inaprubahan ng Pangulo, at noong Disyembre 29, 1936 ang bayan ay pinalitan ng pangalan bilang ‘Plaridel’, bilang parangal sa dakilang bayani ng Bulacan na si Marcelo H. del Pilar.
- Pulilan – walang matibay na kasulatan kung saan nanggaling ang pangalang Pulilan. Dati itong bahagi ng bayan ng Quinga (Plaridel). Noong Enero 20, 1796, tinawag itong Pulilan. Walang nakasulat na mga talaan kung paano pinangalanang Pulilan ang lugar. Ngunit alamat na ito ay nagmula sa Pulo ng Ilan (pulutong ng mga maliliit na isla).
- San Ildefonso – bago dumating ang mga Kastila, ito ay tinatawag na bayan ng “Bulak” dahil sa mga puno ng kapok na sagana sa lugar. Malaunan, nang dumami ang populasyon nito, nagtayo na ng kapilya sa bayan. Noong 1809, si Father Juan dela Rosa ang naging unang paring Pilipino sa bayan. Siya ang nagpalit ng pangalan ng Bulak upang maging ginawang San Ildefonso, bilang karangalan ng Haring Alfonso XII, ang hari ng Espanya, at San Ildefonso, ang patron nito.
- San Jose del Monte (City) – iniulat na ang Etymology of Bulacan City, San Jose del Monte, ay mula sa estatwa ng Saint Joseph na natagpuan sa isang bahagi ng kagubatan. Ito ay “Saint Joseph of the Mountain” / San Jose del Monte. Iniulat ng mga mangangaso ang kanilang natuklasan sa pari ng Meycauayan. Sinabi na ang prayle ang nagtayo ng isang batong simbahan sa lugar.
- San Rafael – ayon sa kwento, may isang lokal na mangingisda na nagngangalang Rafael. Sya ay nanaginip na sya ay makakapanggamot. Pagkaraan ng ilang araw ay may ginamot syang kapitbahay. Dahil dito, kumalat ang balita na sya nga ay nakakapanggamot. Nang dumating ang mga misyoneryong Kastila, dinayo nila ang bahay ni Rafael dahil sa dami ng tao rito. Dahil dito, ipinangalan nila ang lugar kay San Rafael, ang patron ng mga manggagamot.
- San Miguel – Ayon sa 1953 journal ng History of Bulacan, ang bayan ay unang pinangalanang Mayumo mula sa Kapampangan para sa salitang “sweets”. Ang pangalang San Miguel ay idinagdag ng mga misyonerong Augustinian mula sa Miguel na Arkanghel, na sya ring banal na patron ng bayan.
- Sta. Maria – Nakuha ng bayan ng Santa Maria ang pangalan nito mula sa Immaculate Conception (na kilala rin bilang La Purisima Concepcion).
Read: What is Bulacan famous for? Give Us Your Top 3 Answers
Nagustuhan nyo ba itong Etymology of Bulacan, kasama na ang Etymology of Bulacan towns and cities? Comment below kung may karagdagan kayong impormasyon tungkol dito. Enjoy reading!
salamat po sa Information…humihingi rin po ako ng pahintulot na mai post ito sa aming page sa jmcl Manpower services..Nagbibigay din po kasi ng mga trabaho sa area ng Meycauayan, guiguinto, at mga karatig lugar sa bulacan…
Sige po. Message nyo po kami sa Facebook page namin. salamat po.